white fish (wayt fish) : isdang-alat (genus Coregonus o Pro-sopium) na karaniwang matatagpuan sa timog America
white admiral (wayt ád•mi•rál) : uri ng paruparo (genus Limenitis) na initiman ang pakpak at may putîng batík
white slavery (wayt ís•le•ve•rí) 1: kalagayan ng mga tao na sapi-litang pinagtrabaho sa prostitusyon 2: krimen ng tao na sangkot sa naturang sapilitang prostitusyon
dám•sel fish : maliit na isdang-alat (family Pomacentridae) may 124 species sa Filipinas, sapád at manipis ang katawan, makaliskis at sari-sari ang kulay
white elephant (wayt é•le•fánt) : pag-aari, gusali, at katulad na ginastusan ngunit hindi na pinakikinabangan o kailangan, lalo na kung magastos pangalagaan
Cardinal fish (kár•di•nál•fish) : maliit na isdang-alat o isdang-tabáng (family Apogonidae), malaki ang matá at bibig, may dalawang magkahiwalay na palikpik dorsal, malimit makislap ang kulay, at maraming uri ang may guhit sa katawan
jelly fish (jé•li fish) : pangkalahatang tawag sa lamandagat sa class Scyphozoa at kinabibilangan ng dikya at salabay
white hope (wayt howp) : tao na inaasahang magtatagumpay para sa isang pangkat, organisasyon, at katulad
white heat (wayt hit) 1: yugto ng pagkakaroon ng masidhing gawain, pakiramdam, at katulad 2: matinding init na nakalilikha ng liwanag sa nasisinagan nitó